Kung naghahanap ka ng over-the-counter na gamot sa sakit ng ngipin na nakalagay capsule, ang dalawang karaniwang uri ng pain relievers na maaaring magamit ay ang ibuprofen at acetaminophen (paracetamol).
Toothache ang tawag sa pananakit ng ngipin at ang sakit na ito ay nagmumula sa pananakit ng infected cavity o may impeksyon. Kaya napakahalaga ang regular na pagbisita sa ating dentista upang makaiwas sa toothache or sa mga kumplikasyon dulot nito.
Pangkaraniwan ito sa mga bata o matanda at dahil sa mga bacteria sa bunganga natin nagbubuo ang mga plague. Nagpapadami sila dito at unti unting binubutas ang ngipin hanggang sa tumagos ito sa enamel natin hanggang umabot sa ugat ng ngipin (dental pulp) at maimpeksyon ito na nagreresulta sa pananakit ng ngipin.
Halimbawa ng gamot sa Ngipin na nasa Capsule
Ito ay isang non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID) na may anti-inflammatory at analgesic properties. Ito ay maaaring makatulong sa pagbawas ng pamamaga at sakit sa ngipin. Karaniwang inirerekomenda ang pag-inom ng ibuprofen batay sa tamang dosis na itinakda ng iyong doktor o sa nakasaad sa label ng produkto.
Ito ay isa pang analgesic na gamot na maaaring makatulong sa pag-alis ng sakit. Gayunpaman, ang acetaminophen ay hindi anti-inflammatory tulad ng ibuprofen, kaya’t hindi ito makakatulong sa pamamaga.
Tandaan na ito ay mga temporaryong solusyon lamang upang bigyan ka ng ginhawa mula sa sakit ng ngipin habang hinihintay ang tamang pagtugon ng iyong katawan o habang naghihintay kang makakita ng propesyonal na doktor para sa tamang gamutan. Kung ang sakit ng ngipin ay patuloy na umuusbong o lumalala, mahalaga na magpatingin sa isang dentista para sa tamang evaluasyon at payo.
Mga Dahilan ng Toothache
Ang pamamaga ng dental pulp natin ay ang pangunahing sanhi ng pananakit ng ngipin. Maraming sensitibong nerves dito at kapag ito ay nagkaroon ng impeksyon ay masakit talaga. Ang mga dahilan ng pamamaga na ito ay ang sumusunod.
1. Mga tira tirang pagkain sa pagitan ng mga ngipin
2. Impeksyon sa ugat ng ngipin o pamamaga ng gilagid
3. Teeth grinding. Ito yung habitual na pagkagat ng dalawang ngipin na parang nanggagalaiti. Nagdudulot ito ng trauma sa ngipin
4. Tooth decay o pagkabulok ng ngipin
5. Fractures o sira sa ngipin
6. Tooth abscess o minsan pagkakaroon ng nana sa mga gilagid
7. Sira ang pasta o maluwag ang pagkakapasta
8. Gingivitis o pamamaga ng gilagid
9. Teething o pagtubo ng ngipin sa mga bata ayon sa gamotsabata.com
10 listahan ng Dental Clinic sa San Pedro Laguna
Clinic Name | Address | Contact Number |
---|
Alora Ortho Dental Clinic | Manila South Road, Landayan, San Pedro | 0917-832-3211 |
Dr. Hugo Clavo Dental Clinic | 14 Ramirez Avenue, San Pedro | Not available |
Gerodias Dental Clinic | 23-A Mabini Street, San Pedro | Not available |
Bautista Dental Clinic | 79 San Vicente Road, San Pedro | Not available |
Johnny Borromeo Dental Services | St. Francis Homes, San Pedro | Not available |
Dr. Buna Dental Clinic | Room 201, 2nd Floor, Baretto Building, 41 A Mabini Street, San Pedro | Not available |
Tooth Angel Dental Clinic | National Highway, Barangay Nueva, San Pedro | Not available |
Antonil-Papag and Associates | A Mabini Street, San Pedro | Not available |
Tooth Fairy Dental Clinic | Pacita Complex, San Pedro | Not available |
Villareal Dental Clinic | Poblacion, San Pedro | Not available |
Iba pang mga Babasahin
Mabisang gamot sa sakit ng Ngipin
Gamot sa sakit ng Ngipin na home remedy
Gamot sa sakit ng Ngipin na capsule (over the counter) mabibili
Herbal na gamot sa sakit ng ngipin na pwede sa bahay gawin
Disclaimer: Layunin ng gamotsangipin.com ang magbigay ng napapanahon na mga impormasyon sa pangangalaga ng ating mga ngipin ngunit huwag itong gamitin na pamalit sa prescription o payo ng doktor.
Walang pananagutan ang gamotsangipin.com sa mga nagnanais uminom ng gamot base sa mga artikulo dito. Maigi na kumunsulta sa inyong doktor para sa mas malinaw na mga kaalaman.
3 thoughts on “Gamot sa sakit ng Ngipin na capsule (over the counter) mabibili”