November 21, 2024

Home remedy sa masakit at namamaga na ngipin

Sumasakit ba ang ngipin mo at ito ay namaga na katulad ko? Ngunit hindi pa rin makapunta sa dentista kaagad o di naman kaya ikaw ay nasa quarantine? Well, una sa lahat, alamin muna natin kung ano nga ba ang toothache.

Ano ang toothache nga ba?

Ang toothache ay isang infection sa loob ng ngipin at nag-uumpisa kapag pinasok na ng bacteria ang ngipin, lalo na kapag ito ay may basag, sira, o nabubulok na. Sa ibang kaso naman, kung bakit sumakit at namaga ang ngipin sa harapan, dahil ito sa sirang dental filling o pasta.

Ano ang dahilan ng pagkasira ng ngipin?

Mga naiipon na tira-tira pagkain sa pagitan ng ngipin, kaya mas maigi na gumamit ng dental floss after magtoothbrush, dahil ito ay tumutulong upang malinis ang pagitan ng ngipin na hindi kayang abutin ng toothbrush.

Sunod ay ang tooth decay, mas mabuti na ito ay mapabunot na sa dentista dahil ito ay wala ng pag-asa. Nagiging sanhi din lang ito ng hindi kanais-nais na amoy sa ating hininga, kaya mas mabuti pa na mawala na ito ng tuluyan.

Sunod naman ay ang sirang dental fillings o pasta, ito ang salarin kung bakit sumakit ang ngipin minsan at namaga ang inyong pisngi. Kaya kung ako sa inyo, kung makakapunta din lang kayo sa inyong dentista, ay wag na kayong magsayang pa ng oras at bago pa madamay ang buong parte ng ngipin.

Next ay ang gingivitis, ito ay ang pamamaga ng gilagid at pagdugo ng ngipin, lalong-lalo na kapag tayo ay nagsisipilyo. Kaya mas maigi na gumamit ng toothpaste para sa sensitive na ngipin at hindi feelings char at ng malambot na toothbrush, at saka dapat ay dahan-dahan lang ang pagtoothbrush.

At eto na ang mga home remedies para sa masakit na ngipin

Una ay ang salt water, ihalo ang one teaspoon na asin sa one half cup ng maligamgam na tubig, pagkatapos ay imumog ito ng at least two minutes bago idura, at pwede mo itong gawin ng three times a day.

Garlic o bawang, para sa inyong kaalaman, ang bawang ay isang anti-bacterial at nakakatulong para maibsan ang sakit. Ito din ay may kakayahan na patayin ang bacteria na nagdudulot ng infection, magdikdik lang o maghiwa at ilagay lang ito sa butas ng ngipin.

Sunod ay ang cold compress, ang cold compress ay pwedeng gawin kapag sumasakit o namamaga ang ngipin. Tandaan, huwag mag-cold compress kapag namamaga na ang pisngi dahil mas lalo itong sasakit dahil namumuo ang nana. So paano nga ba gagawin ang cold compress? Kumuha lang ng ice cubes at ilagay sa cold compress bag o di naman kaya ay ilagay sa plastic, pagkatapos ay balutin ng dry towel, pagkatapos ay ilagay sa pisngi malapit sa affected area. Pwede mo itong gawin ng maraming beses sa isang araw at ang intervals ay fifteen minutes.

Hot compress, ito naman ay ginagamit kapag namamaga na pati ang pisngi, maglagay lamang ng mainit na tubig sa hot water bag, pagkatapos ay balutin ng dry towel para hindi mapaso ang pisngi. Tumutulong ito para maibsan ang sakit at tuluyan ng mawala ang pamamaga.

Next naman ay ang mga over-the-counter medicines, ito ay mga gamot na pwedeng bilhin kahit walang reseta ng doktor. Pwede din kayong uminom ng mga painkillers tulad ng ibuprofen, mefenamic acid, or paracetamol.

At base sa experience ko mismo, ang ginawa ko, dahil abot na hanggang pisngi ang pamamaga, uminom ako ng mefenamic acid every six hours, pagkatapos isinabayan ko ng hot compress. Gumaan na talaga ang pakiramdam ko, tapos may nakita akong parang nana sa gilagid kung saan sumasakit yung ngipin ko na parang puputok na, at nangyari nga. At nang lumabas na ang nana, nagmumog kaagad ng salt water, at dapat kailangan ay maligamgam. Pagkatapos nung kinabukasan nang magising ako, wala na, normal na agad yung pisngi ko, as in tanggal na yung pain, tanggal na rin yung pamamaga.

Iba pang mga babasahin

Gamot sa pamamaga ng gilagid o gingivitis

Bakit Mabaho ang hininga mo

Mga dapat gawin pagkatapos magpabunot ng Ngipin

Ano ang pwedeng gawin kapag masakit ang Ngipin?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *