Ang pagreseta ng antibiotic para sa pamamaga ng ngipin ay dapat laging manggagaling sa isang propesyonal na doktor o dentista. Hindi inirerekomenda ang paggamit ng mga antibiotic nang walang tamang konsultasyon dahil maaaring magdulot ito ng masamang epekto sa kalusugan, maging sanhi ng antibiotic resistance, at magdulot ng iba’t ibang komplikasyon.
Ayon sa Gamotsabata.com Ang antibiotic ay karaniwang ginagamit ng dentista para sa kanilang pasyente lalo na kung me spread ng infection na o malala ang mga sintomas ng sakit sa ngipin dahil sa mga bacteria.
Kung ang ngipin ay may pamamaga o impeksyon, ang iba’t ibang uri ng antibiotic ay maaring irekomenda depende sa kalagayan ng pasyente, kasama na ang uri ng impeksyon, kalubhaan, at iba pang mga medikal na kondisyon.
Paraan ng paggamit ng Antibiotic para sa sakit ng Ngipin
Ang antibiotic ay may classification. Pwede itong ma-ingest orally or yung mga iniinom sa tablet form. Topical ointment naman kapag ipinapahid ito o kaya ay gumagamit ng mga spray para sa na-infect na ngipin.
Kung gusto naman ng doktor na mas mabilis ang epekto dahil sa emergency cases ay pwede siyang through injection.
Ilang halimbawa ng mga antibiotic na maaring ma-prescribe para sa pamamaga ng ngipin
Amoxicillin
Ito ay isa sa mga pangkaraniwang antibiotic na karaniwang iniinom para sa mga dental na problema tulad ng impeksyon sa ngipin o gilagid. Ang dentista ang magsasabi ng tamang dosis at paggamit nito.
Clindamycin
Ito ay isa pang antibiotic na maaaring ma-prescribe kung may allergy sa penicillin o kung ang impeksyon ay mas malubha. Ang paggamit nito ay dapat bantayan at maiwasan ang labis na paggamit upang maiwasan ang antibiotic resistance.
Metronidazole
Ito ay isa pang antibiotic na maaaring gamitin sa mga kondisyon ng pamamaga o impeksyon sa ngipin, lalo na sa mga kaso ng bacterial infections.
Augmentin (Amoxicillin/Clavulanate)
Ito ay isang kombinasyon ng amoxicillin at clavulanate, na maaaring gamitin sa mga mas malalang kaso ng impeksyon na kadalasang may antibiotic resistance.
Ciprofloxacin
Ito ay maaaring iprescribe sa mga kaso ng dental abscess kung mayroong pangangailangan na gamutin ang impeksyon na dulot ng gram-negative na mga bakterya.
Home remedy sa Sakit ng Ngipin
Kung halimbawang inaantay ang pagpapadoktor ilang home remedy ang pwedeng gawin ng pasyente para hindi sumakit ng sobra ang ngipin.
-Magmumog ng maligamgam na tubig na may asi
-Magdikdik ng bawang at ipasak sa nasakit na ngipin
-Cold compress sa namamaga na bahagi ng ngipin
Iba pang mga Babasahin
Ilang oras bago mawala ang Anesthesia sa Ngipin
May tumubong laman sa gitna ng Ngipin
Ilang araw bago tumubo ang ngipin ni Baby: Signs na magkakaroon na siya ng Teeth
Pabalik balik na lagnat ng Baby dahil sa pagtubo ng Ngipin : Mga remedy na gagawin
One thought on “Halimbawa ng Antibiotic para sa pamamaga ng nipin”