Kung naghahanap ka ng over-the-counter na gamot sa sakit ng ngipin na nakalagay capsule, ang dalawang karaniwang uri ng pain relievers na maaaring magamit ay ang ibuprofen at acetaminophen (paracetamol).
Toothache ang tawag sa pananakit ng ngipin at ang sakit na ito ay nagmumula sa pananakit ng infected cavity o may impeksyon. Kaya napakahalaga ang regular na pagbisita sa ating dentista upang makaiwas sa toothache or sa mga kumplikasyon dulot nito.
Pangkaraniwan ito sa mga bata o matanda at dahil sa mga bacteria sa bunganga natin nagbubuo ang mga plague. Nagpapadami sila dito at unti unting binubutas ang ngipin hanggang sa tumagos ito sa enamel natin hanggang umabot sa ugat ng ngipin (dental pulp) at maimpeksyon ito na nagreresulta sa pananakit ng ngipin.
Halimbawa ng gamot sa Ngipin na nasa Capsule
Ito ay isang non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID) na may anti-inflammatory at analgesic properties. Ito ay maaaring makatulong sa pagbawas ng pamamaga at sakit sa ngipin. Karaniwang inirerekomenda ang pag-inom ng ibuprofen batay sa tamang dosis na itinakda ng iyong doktor o sa nakasaad sa label ng produkto.
Ito ay isa pang analgesic na gamot na maaaring makatulong sa pag-alis ng sakit. Gayunpaman, ang acetaminophen ay hindi anti-inflammatory tulad ng ibuprofen, kaya’t hindi ito makakatulong sa pamamaga.
Tandaan na ito ay mga temporaryong solusyon lamang upang bigyan ka ng ginhawa mula sa sakit ng ngipin habang hinihintay ang tamang pagtugon ng iyong katawan o habang naghihintay kang makakita ng propesyonal na doktor para sa tamang gamutan. Kung ang sakit ng ngipin ay patuloy na umuusbong o lumalala, mahalaga na magpatingin sa isang dentista para sa tamang evaluasyon at payo.
Mga Dahilan ng Toothache
Ang pamamaga ng dental pulp natin ay ang pangunahing sanhi ng pananakit ng ngipin. Maraming sensitibong nerves dito at kapag ito ay nagkaroon ng impeksyon ay masakit talaga. Ang mga dahilan ng pamamaga na ito ay ang sumusunod.
1. Mga tira tirang pagkain sa pagitan ng mga ngipin
2. Impeksyon sa ugat ng ngipin o pamamaga ng gilagid
3. Teeth grinding. Ito yung habitual na pagkagat ng dalawang ngipin na parang nanggagalaiti. Nagdudulot ito ng trauma sa ngipin
4. Tooth decay o pagkabulok ng ngipin
5. Fractures o sira sa ngipin
6. Tooth abscess o minsan pagkakaroon ng nana sa mga gilagid
7. Sira ang pasta o maluwag ang pagkakapasta
8. Gingivitis o pamamaga ng gilagid
9. Teething o pagtubo ng ngipin sa mga bata ayon sa gamotsabata.com
Iba pang mga Babasahin
Mabisang gamot sa sakit ng Ngipin
Gamot sa sakit ng Ngipin na home remedy
Gamot sa sakit ng Ngipin na capsule (over the counter) mabibili
2 thoughts on “Gamot sa sakit ng Ngipin na capsule (over the counter) mabibili”