September 10, 2024

Solusyon sa hiwahiwalay na Ngipin

Sa isang article natin sa gamotsangipin.com ay pinag-usapan natin ang mga karaniwang sanhi ng pagkakahiwalay ng mga ngipin kaya dito sa article naman na ito pag-usapan din natin ang mga solusyon para mapag dikit ang mga hiwa hiwalay na ngipin.

1. Isa sa pinakamadalas na i-suggest ng mga dentista para mapagdikit dikit ang hiwalay na mga ngipin ay ang pag gamit ng braces. Ang method kasi na ito ay inaayos ang pagkakasalansan ng mga ngipin sa natural na pamamaraan lang.

Ibig sabihin nito ay sa pamagitan ng mga support na ito sa ngipin, nagdidikit sila ng paunti unti lamang at hind na kailangan pa ng surgery. Ang purpose talaga ng braces ay maayus ang posisyon ng nga ngipin natin.

Isa ito sa pinaka mabisa at natural na pamamaraan ang braces sa ngipin at isang pangmatagalang sulosyon sa hiwahiwalay na ngipin.

2. Pag gamit ng Direct Veneers

-Ginagamit ang direct veneers na solusyon kapag hindi makakagamit ng braces ang pasyente. Halimbawa nito ang mga nagta-trabaho sa abroad at wala ng time pa na pabalik balik sa clinic para maayos.

-Kasabay ng pag direct veneers ang pag gamit ng dental filling at pagpapalapad ng ngipin. Kapag napalapad ang ngipin ay maitutulak niya ang mga katabi na ngipin at maco-cover ang spaces na malalaki. Pwedeng umabot ng 1 -2 hours ang procedure na ito at medyo may kamahalan kumpara sa normal procedures lang.

3. Indirect veneer

-Sa indirect veneer ay ginagamitan ng ceramic ang mga ngipin para lumapadito at ma-fill ang mga spaces.

4. Pag gamit ng Crowns

-Ang procedure na ito ay madalas gamitin sa mga nagkakaroon ng night grinding. Ang mga kaso na ito ay hindi na pwedeng maayos pa ng normal na braces lamang. Kapag ginamitan kasi ng braces ang pudpod na ngipin ay nagmumukha pa itong mas maliit pa

Paano maiwasang maghiwalay ulet ang napagdikit na Ngipin na

1. Pag gamit ng retainer braces

-Kailangan na lagyan ng retainer ang mga nagbraces na ngipin. Kapag hindi gumamit ang pasyente ng retainer ay posible na bumalik ulet sa lumang posisyon na hiwa hiwalay ang mga ngipin.

-May 2 klase ng retainer na ginagamit. Una ay ang tinatawag na fixed retainer. Dito sa fixed retainer ay may nilalagay na metal sa likod ng mga ngipin at nakadikit ito. Halimbawa ang larawan sa baba. Dahil naka fixed ito, medyo mahirap lang ito linisin.

-Para sa ganitong issue ng fixed retainer pwedeng gumamit ng removable retainer (hawley) or ng tinatawag na invisible retainer para hawakan at ma -prevent ang pag form ng gaps sa mga ngipin.

-Pwedeng bumalik sa kanilang hiwa-hiwalay na pwesto ang mga ngipin after 6 months kaya recommended ang 2 types ng retainers na ito.

Removable retainer:

3. Pag gamit ng dentures pagkatapos magpa bunot ng ngipin

Minsan ang mga braces ay kayang i-close ang gaps sa ngipin na dulot ng pagbunot. Pero kapag hindi na mai-close ang gap na ito ay pwedeng gumamit nalang ng dentures. Ang nabungi na ngipin o gap na ito ang magiging sanhin din ng pagkakalayo layo na ng mga ngipin.

Nirerecommend ng mga dentist ang agarang pag gamit ng dentures para hindi nanga maghiwalay pa ang mga ngipin kasi kapag gumamit ka ng dentures after few years pa hindi na ito macocorrect pa at need mo na magbraces kaya mas magastos na.

4. Magpa-check ng ngipin 2x a year

Para agarang madetect ang mga anomally sa ngipin ugaliin na mag pa check up ng 2 beses sa isang taon sa mga ngipin. Malalaman din kung may mga delikadong tumor na namumuo sa mga gilagid.

Iba pang mga babasahin

Pagkaing Bawal sa Bagong Bunot na Ngipin (GamotsaNgipin)

Masakit na Gilagid dahil sa Pustiso

Ilang oras bago mawala ang Anesthesia sa Ngipin

5 thoughts on “Solusyon sa hiwahiwalay na Ngipin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *