Karaniwan na dahilan ng pagkakahiwa hiwalay ng ngipin ay dahil sa kulang ang ngipin sa bahagi na ito ng bunganga natin. Pero meron ding ibang mga rason ang pwede pang maging kadahilanan. May mga disadvantage kung malaki ang pagkakahiwalay ng mga ngipin kaya kino korek ito ng mga dentista.
Kaya pag-uusapan natin as article na ito kung ano ang mga dahilan at paano sila pagdikit dikitin.
Bakit kailangan pagdikitin ang mga hiwa hiwalay na ngipin?
1. Mas mabilis makabuo ng mga tartar o build up ng dumi sa ngipin kapag hiwahiwalay ito
-Dahil sa maluwag na spaces, mas malaki ang area ng ngipin na kakapitan ng mga tartar natin
2. Mas mabilis masingitan ng mga pagkain ang may spaces a ngipin
-Madali itong mapapansin ng mga me gap sa ngipin kaysa magkakadikit ito. Karaniwang naiipit ang mga pagkain sa lugar kung may puwang ang pagitan ng mga ngipin
3. Mas matibay ang ngipin
-Dahil pwedeng mag act na support sa ngipin ang mga katabi nito, nakakatulong na patibayin ang pagkakatayo ng ngipin. Wala masyadong support ang ngipin na masyadong malayo sa iba.
-Kapag ikinagat ang ngipin, pwedeng tamaan ito sa lahat ng lugar na parang ang effect ay binubungkal ang ngipin natin. Mas madali itong ma-shake sa kanyang current na posisyon na pwedeng magpahina sa kayang pagkakakapit sa mga gums natin.
-Kung dikit dikit ang ngipin kahit tamaan sa isang side ang ngipin, may suporta ito sa kabilang side naman.
-Sa mga nagbabalak magka pustiso naman, maigi din na dikit dikit ang mga natitira pa na ngipin Kapag hiwahiwalay ang mga ngipin, potential na maging lose din ang pustiso kapag tumagal pa ng paggamit.
Ano ang sanhi at Paano nga ba maayos ang Hiwahiwalay na ngipin
1. Una kailangan maayos ang pinakadahilan kung bakit hiwa hiwalay ang ngipin natin
-Kapag natanggal ang pinakadahilan bakit ayaw magtabi ng ngipin ay makakatulong ito para ma-maintain ang spaces na hiwalay sa ngipin.
-Halimbawa nito ay ang tinatawag na “impaction”. Ang x-ray sa baba ay nagpapakita na may nakatinga na ngipin sa dalawang magkatabi sana. Dahil sa maling pagtubo ng ngipin dito ang dalawa sanang magkatabi ay hindi talaga magdidikit. Karaniwan itong tinatanggal
-Pwede din naman na i-brace ang ngipin na ito para maayos ang kanyang pwesto at siya na mismo ang mag-fill sa gap na meron sa dalwang ngipin na sana magkatabi.
-Para sa may “mesiodens” tinatanggal talaga ito dahil sa sobra ito na ngipin kaya hindi na makatubo ng maayos.
2. Pag thumbsuck at iba pang mga habits
-Kahit na may braces sa ngipin ang pasyente kapag may habit ng thmbsucking, itutulak ng daliri ang ngipin sa ibat ibang posisyon kaya magkakahiwa hiwalay ito.
-Additional na nagiging dahilan ng paghiwalay ng ngipin ay ang tounge thrusting, lip biting ay nagtutulak ng ngipin palabas. Iwasan ang mga habits na ito
3. Teeth grinding
-Minsan sa gabi habang tulog ay nag kakaroon ng pag-grind ng ngipin. Ginagamitan ng “night guards” ang ngipin
4. Frenectomy
-May mga inborn sa atin na ang frenum ay masyadong mababa o makapal ito at dumidikit sa pagitan ng mga ngipin.
-Sa Frenectomy ay hinihiwa ang frenum na ito para magbigay ng space at di na didikit sa mga ngipin. Pagkatapos ng surgery ay nilalagyan pa din ng braces o support ang may space na ngipin para magkadikitan na.
5. Pagtanggal ng mga tumor
-Bukod sa nakakabara ito sa pagitan ng mga ngipin na nagca-cause ng paghihiwalay ng mga ngipin, kailangan talaga silang tanggalin kasi ito ay masama sa katawan natin. Potential kasi na maging kanser ito kapag napabayaan naman.
-Sa pamamagitan ng pag x-ray ay nakikita ng dentista kung gaano ka grabe ang tumor na tumubo na at para ma-assess ng dentista ang tatanggalin.
Iba pang mga babasahin
Pwede ba magpabunot ng Ngipin na masakit at namamaga?
Pabalik balik na lagnat ng Baby dahil sa pagtubo ng Ngipin : Mga remedy na gagawin
Ilang araw bago tumubo ang ngipin ni Baby: Signs na magkakaroon na siya ng Teeth
4 thoughts on “Sanhi ng paghihiwalay ng mga Ngipin”