Ang gingivitis ay isang karaniwan at mild na klase ng gum disease na nagdudulot ng iritasyon, pamumula, at pamamaga sa iyong gilagid, ang parte ng iyong gum sa paligid ng base ng iyong mga ngipin. Mahalaga na seryosohin ang gingivitis at gamutin agad, dahil ito ay maaaring mauwi sa maseryoso pang mga gum disease na tinatawag na periodontitis at paglagas ng mga ngipin.
Ang pinakakaraniwang sanhi ng gingivitis ay ang poor oral hygiene, na tumutulak sa pagtubo ng plaque na namumuo sa mga ngipin, na nagdudulot ng pamamaga sa nakapaligid na gum tissues. Narito ang ilan sa mga paraan kung paano mauuwi ang plaque sa pagkakaroon ng gingivitis.
Paano nabubuo ang pamamaga ng gilagid o gingivitis
-Nabubuo ang plaque sa iyong mga ngipin. Ang plaque ay isang hindi nakikita at malapot na film na pangunahing gawa sa bacteria, na nabubuo sa iyong mga ngipin.
-Kapag ang starch at mga asukal sa pagkain ay nakasalamuha, ang mga bacteria na normal na nakikita sa iyong bibig, ang plaque, ay kinakailangan ng araw-araw na pagtanggal dito dahil mabilis itong nabubuo muli.
-Ang plaque ay nagiging tartar. Ang plaque na nanatili sa iyong mga ngipin at maaaring tumigas at maging tartar, na nangongolekta ng bacteria.
-Ang tartar ay ginagawang mas mahirap pang tanggalin ang plaque, gumagawa ng protective shield para sa bacteria, at nagdudulot ng iritasyon along the gum line.
Kailangan mo ng professional dental cleaning upang tanggalin ang tartar. Mas matagal na nanatili ang plaque at tartar sa iyong mga ngipin, mas lalong nagkakaroon ng retraction sa gilagid, kaya naman nagdudulot ng pamamaga. Kapag nagtagal, ang iyong gums ay namamaga at madaling magdudugo, at ang tooth decay o ang pamumulok ng mga ngipin ay maaari ring mangyari.
Ano ang mangyayari kapag hindi nagamot ang gingivitis?
Kapag hindi ginamot, ang gingivitis ay maaaring mauwi sa periodontitis at paglagas ng mga ngipin. Ang gingivitis na hindi ginamot ay maaaring magprogress sa gum diseases na kumakalat sa underlying tissue at buto, na tinatawag na periodontitis, isang maseryosong kondisyon na maaaring mauwi sa paglagas ng mga ngipin.
Ang chronic gingival inflammation ay kinokonekta sa ilang systemic diseases, tulad ng respiratory disease, diabetes, coronary artery disease, stroke, at rheumatoid arthritis. Ang ilang mga pag-aaral ay nagsasabi na ang bacteria na responsable para sa periodontitis ay maaaring pumasok sa iyong daloy ng dugo sa pamamagitan ng gum tissue, posibleng maapektuhan ang iyong puso, baga, at iba pang mga parte ng iyong katawan. Ngunit mas marami pang pag-aaral ang kailangan upang ikumpirma ang link.
Ang trench mouth naman, na kilala bilang necrotizing ulcerative gingivitis, ay isang malalang klase ng gingivitis na nagdudulot ng masakit, infected, dumudugong gums at ulcerations. Ang trench mouth ay bihira ngayon sa mga mayayamang bansa, ngunit karaniwan ito sa mga mahihirap na bansa na may mahinang nutrisyon at hindi kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay.
Home remedies para magamot ang gingivitis
Ang home remedies ay mura at epektibong paraan upang gamutin ang gingivitis, kung sisimulan mo ang gamutan ng maaga. Ang home remedies ay karaniwang napapagaling ang gingivitis. Mahalagang gamutin ang plaque bago pa man ito maging tartar. Baka nais mo ring mas padalasin at pahabain ang oras ng iyong pagsisipilyo at flossing.
Kahit na ang home remedies ay mayroong mga natural na sangkap, hindi mo dapat sila lunukin. Parating bumili ng mga produkto na may magandang kalidad na siyang gagamitin mo sa iyong remedies. Magandang ideya na panatilihin silang nasa ref, lalo na sa mainit na bansa natin.
Ang home remedies na aming ibabahagi ngayon ay generally safe na gamitin, ngunit humingi ng medical advice bago gamitin kung ikaw ay buntis, nagpapadede, o may iba pang kondisyong medical. Kung nakakaranas ka ng malalang mga sintomas, tulad ng sobrang pananakit at pagdurugo, o kung ang iyong gingivitis ay hindi gumagaling gamit ang natural remedies, magpatingin sa doktor o dentista.
Kapag hindi ginamot, ang gingivitis ay maaaring magdulot ng mga maseryosong problemang pangkalusugan. Salt water rinse ang salt water ay mayroong disinfectant qualities at maaaring makatulong sa katawan na gumaling. Napatunayan ng mga pag-aaral ng pagmumumog ng salt water solutions ay kayang maibsan ang namamagang gilagid na dulot ng gingivitis.
Upang gamitin ang salt water rinse, magbuhos ng kumukulong tubig sa isang baso at palamigin ito hanggang sa maging maligamgam. Maghalo ng three-fourths teaspoon ng asin sa tubig. Mumugin ang salt water rinse at ulitin ng tatlong beses araw-araw.
Homemade mouthwash mayroong ibat-ibang klase ng homemade mouthwashes na maaaring timplahin ng mga tao para gamutin ang gingivitis.
Halimbawa ng Home made mouth wash para sa gingivitis
Lemongrass oil mouthwash
Isang pag-aaral noong 2015 ay natuklasan na ang lemongrass oil ay maaaring mas maging epektibo sa pagpapahupa sa gingivitis at pagdami ng plaque na nagdudulot nito kaysa sa tradisyonal na mouthwash. Upang gumawa nito, haluin ang dalawa hanggang tatlong patak ng lemongrass oil sa tubig. Mumugin ito at ulitin ng tatlong beses araw-araw.
Aloe vera mouthwash
Isang pag-aaral noong 2016 ay natuklasan na ang aloe vera ay naging sing-epektibo ng active ingredient sa tradisyonal na mouthwash sa paggamot sa mga sintomas ng gingivitis. Ang katas ng aloe vera ay hindi na kailangan ihalo sa tubig at maaaring gamitin ito ng puro, tulad rin ng sa ibang mouthwash. Mumugin ito at ulitin ng tatlong beses araw-araw.
Tea tree oil mouthwash
Isang pag-aaral noong 2014 ang natuklasan ng tea tree oil mouthwash ay kayang bawasan ang pagdurugo na dala ng gingivitis. Upang gumawa nito, magdagdag lamang ng tatlong patak ng tea tree oil sa isang tasa ng maligamgam na tubig at gamitin sa parehong paraan ng sa homemade mouthwashes na nabanggit. Ang tea tree oil ay maaaring mag-interact sa ibang medikasyon, kaya naman pinakamainam pa rin na magpakonsulta sa doktor bago ito gamitin for the first time.
Guava leaf mouthwash
Napatunayan na ng mga pag-aaral na ang dahon ng guava ay maaaring tumulong sa pagkontrol sa plaque dahil sa kanyang innate antibacterial properties. Kaya rin nitong bawasan ang pamamamaga. Upang gumawa nito, kailangan mo lamang ng anim na piraso ng dahon ng guava at magdagdag ng isang tasa ng kumukulong tubig. Pakuluan ito for fifteen minutes, pagkatapos ay palamigin. Magdagdag ng kaunting dami ng asin at mumugin. Gawin ito ng tatlong beses araw-araw.
Turmeric gel
Ang turmeric ay ginagamit na sa maraming home remedies dahil sa kanyang anti-inflammatory at anti-fungal properties. Ang isang pag-aaral na isinagawa noong 2015 ay sinasabi na ang gel na may turmeric ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa plaque at gingivitis. Ang turmeric gel ay mabibili sa maraming health food at alternative remedy shops. Upang gamitin ito, dapat itong ipahid sa gilagid at ibabad for ten minutes bago magmumog ng tubig.
Kasama ng patuloy na pag-aalaga, mayroong malaking tiyansa na maaari gamutin ang gingivitis. Kung ang problema ay hindi nag-improve gamit ang home remedies, kailangan mong magpatingin sa dentista.
Iba pang mga babasahin
Mga dapat gawin pagkatapos magpabunot ng Ngipin