Sa article na ito ang pag-uusapan natin ngayon ay kung ano ang dapat gawin pagkatapos mabunutan ng ngipin. Dahil bago palang ang sugat na nagawa ng pagbunot ng ngipin dapat may tamang pangangalaga ang pasyente. Pwedeng mawala kasi ang clot ng dugo sa pinagbunutan at maging dahilan ng sobrang pagdurogo.
Ano ang kailangang gawin pagkatapos magpabunot ng ngipin
Unang-una, usually pinapakagat tayo ng bulak o gauze ng ating dentista pagkatapos mabunutan. Dapat kagatin ito ng mga 10 to 15 minutes, pero mas mainam na hanggang pag-uwi ninyo ay kagat-kagat pa rin ninyo ito para tumigil ang sobrang pagdurugo ng pinagbunutan. Pag tinapon na ang bulak, huwag na itong papalitan para maprotektahan ang dugo sa pinagbunutan. Ang dugo ang nagpapagaling sa sugat, at pag natanggal ito, wala nang poprotekta sa buto sa loob, na maaaring magdulot ng impeksyon at tinatawag na dry socket, na sobrang sakit at mahirap gamutin.
Iwasan ang anumang motion na pahigop tulad ng paggamit ng straw, malakas na pagdura, at matinding halikan. Bawal din ang mainit na pagkain o inumin dahil natutunaw nito ang dugo, pati na rin ang malakas na pagmumumog. Normal lang ang kaunting dugo sa unang araw, ngunit pag sobra na, bumalik agad sa dentista.
Pagkatapos mabunutan, huwag agad humiga para hindi tumaas ang blood pressure at magdulot ng pagdurugo. Mas mainam magpabunot sa umaga para hindi malapit sa sleeping time. Bawal din ang mag-exercise o magbuhat ng mabibigat dahil itataas nito ang blood pressure.
Dapat uminom ng maraming tubig at kumain ng malamig na pagkain tulad ng ice cream (walang nuts o sprinkles) para tumigas ang dugo. Mag-cold compress sa labas ng pisngi sa unang araw, 20 minutes on, 20 minutes off, para mabawasan ang pamamaga. Sa pangatlong araw, hot compress naman para dumaloy ang dugo.
Sundin ang mga gamot na ibinigay ng dentista, lalo na ang pain relievers at antibiotics, at tapusin ang buong treatment kahit mawala ang sakit o pamamaga.
Magpahinga at huwag magsalita ng sobrang dami o magtrabaho sa bahay para mabilis gumaling. Sundin ang special instructions ng dentista.
Iba pang mga babasahin
Ano ang pwedeng gawin kapag masakit ang Ngipin?
Gamot sa sakit ng Ngipin ng bata na Safe
One thought on “Mga dapat gawin pagkatapos magpabunot ng Ngipin”