Sagutin natin ang madalas na katanungan na ito na gusto nating gawin kapag masakit ang ngipin.
Karaniwang magkasama na ang pamamaga ng ngipin kapag masakit ito. Pero ano nga ba ang payo ng mga dentista kapag ganito ang sitwasyon natin?
At ang karaniwang sagot ng mga dentista ay pwede naman talagang bunutin ang masakit na ngipin at namamaga. Pero ang tanong ay kung kaya nga ba ng pasyente na ma-endure o tiisin ang sakit nito.
Ang pagkakaroon ng pamamaga ng ngipin ay isang indikasyon na mayroong infection sa ngipin ang pasyente. Pwedeng kasama ng pamamaga ang pagkakaroon ng nana sa paligid ng ngipin (tooth abscess).
Paano masasabi na may Infection ang Ngipin?
Madalas na ang mga sintomas ng may infection sa ngipin ay ang pananakit sa bahaging may infection. Ang enviroment ng ngipin lalo na kung may nana ito ay masyado na kasing acidic.
- Masakit ikagat
-Kapag kumakain tayo at ikinakagat natin ay pwedeng may discomfort sa bahaging apektado sa ngipin.
2. Presence ng Pain
-Minsan kahit wala ka namang ginagawa ay may sakit na talaga tayo na nararamdaman
3. Pagkakaroon ng Fistula
-Parang umumbok na laman ito sa gilagid o pimple sa gilagid ng bunganga
4. Facial swelling
-Ito ay ang pamamaga ng gilagid o pisngi ng pasyente kapag medyo seryoso na ang infection nito.
Kapag gumamit ng anesthesia ang dentista hindi basta mawawala ang pananakit ng ngipin na may infection. Ang mga anesthesia kasi ay may nature na alkaline ito. Opposite ng acidic na infected na ngipin kaya wala masyadong maitutulong ang anesthesia para matanggal ang sakit na dulot ng pagbunot ng ngipin. Walang pamamanhid na mararamdaman sa bahaging kailangan ng pasyente.
Sa ganitong pagkakataon ang pagturok ng anesthesia sa pasyente ay hinahanapan ng tamang lugar para mapenetrate ang bahagi ng bububutin na ngipin at magkaroon ng pamamanhid dito.
Conclusion
Dahil sa pwede naman palang bunutin ang masakit na ngipin, bakit minsan ay nagpapayo padin ang doktor na kailangan mawala muna ang pamamaga nito bago magpabunot?
Hindi siya pwedeng bunutin kasi pwedeng magkaroon ng matinding sakit sa bahagi na ito ng ngipin. Pero kung kailangan talagang matanggal ang ngipin ang ginagawa ng mga dentista ay nagkakaroon ng incision o pagsugat sa namagang bahagi para tanggalin muna ang nana na namuo sa loob ng gilagid pero masakit nga ang procedure na ito. Halimbawa ang nasa larawan sa baba.
Isang option din nga ng doktor para less traumatic ang pagbunot, pinagpapaliban ang pagbunot hanggang sa mawala muna ang pamamaga para may epekto at tumalab ang anesthesia during sa pagbunot nito.
Normally ang doktor ay nagprescribe ng antibiotics para magamot muna ito at mawala ang pamamaga. Take note na pag nag antibiotics pwedeng mawala na nga ang sakit nito at may tendency ang pasyente hindi na magpabunot. Baka bumalik ang infection kaya maigi ipabunot na ito para hindi na bumalik pa.
Iba pang mga babasahin
Antibiotic para sa pamamaga ng gilagid
2 thoughts on “Pwede ba magpabunot ng Ngipin na masakit at namamaga?”