January 28, 2025

Ano ang pwedeng gawin kapag masakit ang Ngipin?

Masakit ba ang ngipin niyo, tamang tama sa inyo tong article na to. Ano nga ba ang gagawin natin kapag masakit ang ngipin? Meron po kaming apat na tips para sa inyo.

Mga Tips kapag masakit ang ngipin

Unang una kumunsulta sa dentista. Eto yung pinaka importanteng advice sa lahat kasi sila ang nakakaalam kung ano ba yung nangyari sa ngipin natin, o kung ngipin nga ba natin yung may problema, o baka mamaya gilagid pala natin.

O baka mamaya yung mga nerves pala natin yung may problema. Hindi natin alam kaya pinakamaganda kung ang makuha nating resulta ay galing sa dentista at sila ang magsasabi kung ano ang dapat gawin.

Pangalawa eto yung tinatawag nilang mga painkiller, o pampatanggal ng sakit. Ngayon okay naman itong gamot na to kasi matatanggal yung sakit. Ang problema kasi yung pinanggagalingan ng sakit ay hindi niya natatanggal. Kaya kahit anong tanggal natin ng sakit babalik at babalik pa rin yung sakit hanggang hindi natatanggal yung pinakadahilan.

Kaya wala pa ring magagawa to. Pero in case lang kagaya sa mga pasyente na mga seaman or yung mga nasa bundok, hindi kaagad sila makakapunta sa dentista. Kaya pwede uminom muna sila nito for temporary lang. Pwede yung paracetamol five hundred milligrams every four to six hours pwede yan or may mefenamic acid every six hours pwede naman yan pero, lahat ng sobra ay masama kung paulit ulit kayo na iinom ng mga gamot na to.

Hindi rin ito maganda sa katawan.

Pangatlo ay ang pag gamit ng antibiotics. Ano ba yung antibiotics?  Eto yung mga gamot na pumapatay sa bacteria. Ito yung mga amoxicillins at marami pang iba.

Ngayon ganito ang magiging problema diyan, yung mga iba na pasyente ang iniinom nila kulang ngayon.

Ano pong nangyayari?

Ang antibiotics kasi parang lason lang siya sa mga bacteria. Ngayon kung kulang  yung lason na ibibigay niyo para sa bacteria lumalakas lang yung kanilang resistensya sa mga bacteria doon sa antibiotics.  Ngayon ang problema lumalakas nga yung resistensya nila. Hindi na sila ngayon kayang patayin ng mga ordinaryong antibiotics.

Tapos ngayon nagdedevelop pa yung mga tinatawag nilang mga super bugs, na hindi na basta basta napapatay ng mga antibiotics.

Tungkol naman sa mga pharmacy na hindi nagbibigay ng gamot lalo na antibiotics sa mga bumibili, tama sila. Kailangan talaga ng reseta kasi nga iniiwasan natin yung drug resistance ng mga bacteria.

Pang apat na pwede nating gawin, wag na tayong maglagay lagay ng kung ano ano doon sa loob ng butas ng ngipin o kaya wag nating subukang tusok tusukin ng mga toothpick ng karayom. Huwag na kasi lalo lang lalala ang sakit.

Minsan nagkaka impeksyon pa, bakit?

Kasi minsan natutusok yung pulp ng ngipin.

Ano ba yung pulp nato?

Nakikita niyo itong gitna ng ngipin na to yan yung part ng ngipin nayon. Kunwari may butas kayo dito sa ibabaw tinusok niyo ng toothpick o ng karayom natamaan yung ugat na to lalo lang sasakit yan kaya wag na po wag na wag na po.

Ano ang usual na Home remedy sa masakit na ngipin?

  1. Magmomog ng maligamgam na tubig na may asin kasi ito ay nakakatulong na mabawasan ang pamamaga at masakit na pakiramdam.
  1. Maaaring uminom ng over-the-counter pain relievers tulad ng ibuprofen o paracetamol para maibsan ang sakit.
  2. Maglagay ng cold compress sa pisngi kung saan masakit ang ngipin upang mabawasan ang pamamaga at sakit.
  3. Iwasan muna ang pagkain ng matitigas at matatamis na pagkain na maaaring makapagpalala ng sakit.
  4. Ang clove oil ay kilala bilang natural na pain reliever para sa sakit ng ngipin. Maaaring maglagay ng ilang patak sa bulak at ipatong sa masakit na ngipin.

Iba pang mga Babasahin

Masakit na Pudpod na ngipin ng Bata – Ano pwedeng Gawin

Solusyon sa hiwahiwalay na Ngipin

Pwede ba magpabunot ng Ngipin na masakit at namamaga?

Pabalik balik na lagnat ng Baby dahil sa pagtubo ng Ngipin : Mga remedy na gagawin

One thought on “Ano ang pwedeng gawin kapag masakit ang Ngipin?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *