November 21, 2024

Bawal gawin pagkatapos bunutan ng Ngipin

Pag-usapan natin sa article na ito ang mga bagay na di dapat gagawin kapag nabunutan ka ng ngipin. Delikado kasi na mapwersa ang taong nagpabunot kasi potential na mabinat at magdugo ng labis ang nabunutan. Possible kasi na matanggal ang blood clot sa ngipin na binunot at kapag nangyari ito pwedeng magkaroon ng mga kumplikasyon ang pasyente.

Mga di dapat gawin pagkatapos ng bunot sa ngipin

1. Iwasan ang malakas at madalas na pag mumog at pag dura ng tubig

Kailangan ng marahan na pagmumog kasi pwedeng ma-dislodge ang nag clot na dugo sa binunotan na ngipin mo.

2. Wag dutdutin ng dila o ng daliri ang nabunutan na ngipin

Pwede din matanggal ang dugo na nag clot na kapag may physical na pag disturb sa ngipin. Minsan involuntary na nagagalaw natin ang sugat na ito lalo na kapag parang namamaga ang pakiramdam, mahapdi o dahil sa makati ito.

3. Iwasan ang pag gamit ng straw o anything na pwedeng higupin.

Dapat deretso lang sa baso kung iinom tayo .

4. Iwasan ang paninigarilyo

Pwedeng makaapekto sa pagbagal ng healing process ang paninigarilyo. Malaki din ang tsansa na magkaroon ng tinatawag na “dry socket” sa pinagbunutan mismo ng ngipin. Dagdag pa ng gamotsabata.com ang smoking ay pwedeng maglead sa hypoxia kung saan ang tissue ay kulangin ng oxygen para sa paghilom ng sugat. Kapag wala ding sapat na oxygen pwede ding magkaroon ng gum and bone infection.

5. Iwasang mag toothbrush ng malakas o wag i brush ang nabunutang bahagi.

Ang ibang ngipin ay pwedeng i-brush naman pero at least 2 teeth ay iwasasn muna itong ma-brush. Pwedeng ma-scrub ang sugat at magresulta sa bleeding.

6. Iwasan muna ang mga strenuous activies.

Kabilang dito ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay, jogging, zumba. Sa mga workers na ang trabaho ay magbuhat, ipagpaliban muna ito. Pwede kasing mag increase ang blood pressure at mag cause ng malakas na blood flow. Pwedeng mag cause ito ng bleeding din ng nabunot na ngipin.

Have 24 hours rest after mabunutan

7. Iwasan ang pagkain ng mainit na sabaw o pagkain.

Ang mainit na pagkain ay pwedeng mag dilate ng blood vessels sa nabunutan na ngipin, posible din maging dahilan ng bleeding ito.

8. Iwasan ang spicy food o malalansang pagkain

Halimbawa sa shell foods pwedeng ang fragments nito ay makain natin at mapunta sa nabunutan. Madaling masugat ito kasi walang ngipin na proteksyon

9. Wag mag take ng Aspirin

Blood thinner kasi ito kaya pwede mag increase ang blood flow. Posible na hindi mag clot ang nabunut na bahagi ng ngipin. Kapag may prescription na aspirin itanong ito sa doktor kasi normally 7 days na walang aspirin dapat pagkatapos mabunutan.

Ganun din sa mga maintenance na gamot, i-disclosed din ito sa dentista. Magdedecide ang dentist kung kailangan natin ng medical clearance bago mabunutan.

10. Idulog agad sa doktor kung me epekto ang bunot ng ngipin.

Kasama dito ang excessive bleeding, pagkalagnat, masakit na masyadong matagal ( 7 days at least) para malampatan ng lunas ang problema at di na lumala pa.

Mahalaga rin na sundin ang mga tagubilin ng iyong dentist at gawin ang mga tamang pangangalaga sa bibig upang mapanatili ang kalusugan ng iyong ngipin at gums.

Iba pang mga Babasahin

Masakit na Pudpod na ngipin ng Bata – Ano pwedeng Gawin

Solusyon sa hiwahiwalay na Ngipin

Sanhi ng paghihiwalay ng mga Ngipin

Pwede ba magpabunot ng Ngipin na masakit at namamaga?

3 thoughts on “Bawal gawin pagkatapos bunutan ng Ngipin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *