Isang halimbawa ng antibiotic na maaaring gamitin para sa pamamaga ng gilagid ay ang “Amoxicillin.” Ito ay isang pangkaraniwang antibiotic na karaniwang ginagamit para sa mga impeksyon sa bibig at oral na kalusugan.
Ang Amoxicillin ay isang klase ng gamot na kilala bilang penicillin-type antibiotic. Ito ay may kakayahan na labanan ang mga bacteria na maaaring maging sanhi ng mga impeksyon sa gilagid. Karaniwang ginagamit ito para sa mga kondisyon tulad ng pamamaga ng gilagid na maaaring dulot ng gingivitis, periodontitis, o iba pang uri ng oral na impeksyon.
Iba pang mga Antibiotic na Ginagamit ng Dentista sa Pamamaga ng Gilagid
Depende sa pangangailangan ng pamamaga ng gilagid ito ang mga halimbawa pa ng Antibiotic na ginagamit sa ilalim ng patnubay ng dentista.
-Chlorhexidine
-Co-amoxiclave
-Cefaclor
-Ampicillin
-Cefadroxil
Ang mga dentista ay karaniwang nagrerecommend ng paggamit ng antibiotic 2-7 days
Ayon kay Doc John the dentist mahalaga na tandaan na ang paggamit ng antibiotics ay dapat lamang gawin sa ilalim ng gabay at preskripsyon ng isang lisensyadong manggagamot o dentista. Ito ay upang matiyak na tama ang uri ng antibiotic, tamang dosis, at tamang tagal ng paggamit ayon sa iyong kalagayan. Ang maling paggamit ng antibiotics ay maaaring magdulot ng mga side effect at maging sanhi ng pag-develop ng antibiotic resistance sa mga bacteria.
Paunang Lunas sa Pamamaga ng Gilagid
1. Siguraduhing malinis ang sipilyo na ginagamit at huwag yung mga sira-sira kasi pwedeng makasugat sa gilagid na maging sanhi ng pamamaga nito
2. Pwede ding gumamit ng mga paunang lunas na nasa bahay lamang gaya ng pag-mumog ng maligamgaw na tubig na may asin. Mag-mumog ng tatlong beses sa isang araw o pagkatapos kumain.
3. Mag lagay ng hot compress. Ibabad sa mainit na tubig ang maliit na tuwalya at ipatong ito sa namamagang bahagi ng pisngi.
Conclusion
Kaya’t sa halip na magdesisyon ng sarili ukol sa paggamit ng anumang antibiotic, mainam na magpakonsulta ka sa iyong dentista o doktor. Sila ang may kaalaman upang makapagbigay ng tamang diagnosis at tamang treatment para sa iyong kondisyon.
Iba pang mga Babasahin
May tumubong laman sa gitna ng Ngipin
Ilang oras bago mawala ang Anesthesia sa Ngipin
Pagkaing Bawal sa Bagong Bunot na Ngipin (GamotsaNgipin)
3 thoughts on “Antibiotic para sa pamamaga ng gilagid”