November 21, 2024

Gamot sa sakit ng Ngipin ng bata na Safe

Ayon sa talaan ng department of health sa Pilipinas ay mayroong 28 Million na pinoy ay mayroong nararamdaman na pananakit ng ngipin at karamihan sa mga ito ay ang mga bata. Alam naman natin na kapag may sira sa ngipin at masakit ito, mahirap tiisin nalang kasi kawawa ang mga anak natin.

Klase ng gamot na safe sa Ngipin ng Bata

May dalawang klase ng gamot na pwedeng gamitin sa pananakit ng ngipin ng mga bata. Una ay ang paracetamol na siyang pinaka common na meron tayo sa bahay at pangalawa ay ang ibuprofen.

Mas preferred ng mga dentista ang paggamit ng paracetamol sa mga bata kasi may proven safety track record sa pilipinas ang gamot nga na ito. Pwedeng gamitin ito ng mga magulang as first line of safe guard sa sakit ng ngipin sa bata.

Pero in the first place dapat ang inaalala ng magulang pa ay kung bakit nga ba sumasakit ang ngipin ng bata. Ang mga gamot na paracetamol ay para sa sakit lamang pero pwedeng bumalik ito once mawala na ang bisa. Kaya mahalaga na masolve ang dahilan ng pananakit ng ngipin nga.

At ang kadalasang dahilan nga ng pananakit ng ngipin ng bata ay swolen gums o di kaya naman ay tooth cavity (bulok na ngipin).

Ngayon ang butas ng ngipin ng bata kapag nandiyan na iyan ay hindi na ito liit pa. Bagkus sa paglipas ng panahon kapag hindi ito nadala sa dentista para sa kaukulang gamutan ay magiging dahilan ng maraming problema sa bata at isa nga dyan ay ang paglala o sobrang pananakit nito.

At kapag sobrang lalim na nga ang butas sa ngipin at umabot na sa pulp o nerves ng ngipin ay hindi na kaya pa ng paracetamol natin. Although safe ang paracetamol sa sakit ng ngipin ng bata kapag ginamit naman ito ng matagal at madalas ay magiging delikado na sa kalusugan ng bata. Pwedeng mauwi ito sa tinatawag na Hepatoxicity na pwedeng makasira sa liver ng bata.

Kaya habang maliit pa ang butas o tooth cavity ng bata ay dalhin na agad ito sa dentista para maagapan pa ito at mabigyan ng solusyon kung bakit sumasakit ang kaniyang ngipin.

Pangalawang gamot na pwede gamitin ng mga bata ay ang Ibuprofen. Pero ang gamot na ito ay hindi para sa may tooth cavity kundi para sa may negative na reaksyon ang ngipin ng bata sa mga extreme temperatures ng halimbawa pagkain o inumin. Kapag sumakit ang gums o ngipin dahil sa na expose na ang pulp ng ngipin at kapag nagta-take ng malamig o mainit na pagkain ay sensitibo na ito dito natin gagamitin ang Ibuprofen nga.

Ang Ibuprofen ay very good na anti-inflammatory drug para maiwasan ang impeksyon gawa ng pamamaga ng ngipin. Kaya kung may butas ito at namamaga ang pulp effective ang gamot na ito para matulungan na humupa ang pamamaga. But again at the end of the day make sure na mabigyan ng solusyon ang ipin na me problema (pasta o di naman kaya tooth extraction).

Conclusion

Tandaan na anomang gamot na ginagamit sa mga bata ay mahalagang itanong ito muna sa dentista o doktor para sa tamang dosage ng mga ito. Huwag ipagwalang bahala ito para sa kaginhawaan sa sakit ng bata at kapanatagan ng mga magulang.

Iba pang mga Babasahin

Bawal gawin pagkatapos bunutan ng Ngipin

Masakit na Pudpod na ngipin ng Bata – Ano pwedeng Gawin

Solusyon sa hiwahiwalay na Ngipin

Pwede ba magpabunot ng Ngipin na masakit at namamaga?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *