November 21, 2024

Masakit na Pudpod na ngipin ng Bata – Ano pwedeng Gawin

Alam nyo ba pag nakakakita tayo ng pudpod na ngipin ng bata ay tinatawanan lamang natin ito kasi iniisip natin na balang araw mapapalitan din naman ito ng permanent na teeth niya.

Pero lingid sa kaalaman ng karamihan ay masakit ang pudpod na ngipin at madaming disadvantages kapag ganito ang itsura niya.

Mga problema sa Pudpod na Ngipin ng bata

1. Pwedeng lumabas ang pulp sa ngipin ng bata.

-Ang pulp sa ngipin ay ang laman sa loob ng enamel ng ngipin natin na na-expose. Sadyang masakit ito kapag ikinagat kasi katabi na lamang ito ng mga nerves sa ngipin na sobrang sensitibo.

-Pwede din itong magdugo kapag naikagat sa katapat na ngipin na magreresulta sa mga pulp infection

2. Labis na pangingilo sa ngipin

-Dahil wala na syang hard surface protection kapag uminom ng malamig ang bata ay sobrang ngilo ang mararamdaman niya. Maaring maapektukhan ang kalusugan niya din dahil sa hindi talaga siya makakain ng maayos.

3. Dry lips

-Nahihirapang ilapat ng mga bata na may pudpud na ngipin ang kanilang labi kasi pwedeng magdikit ang ngipin at pulp ng ngipin at ito ay masakit. Dahil diyan lagi siyang nakanganga na mag-cause ng dry lips o bitak bitak na lapi at pwedeng magcause ng lip bleeding

4. Ayaw kumain

-Dahil pag pudpod ang ngipin at masakit ikagat karaniwan nalang nilulunok ang mga pagkain o mas prefer ng bata na magsipsip nalang ng gatas kaysa sa solid food.

-Pwede din na tumabingi ang ngipin ng bata dahil wala na itong masyadong support pa. Ang pagtabingi na ito ay nagdudulot ng sugat sa ibang bahagi ng bibig na pagsisimulan ng mga singaw.

Mga Pwede gawin kapag Pudpod ang ngipin ng Bata

1. Pwede ang tinatawag na pulp treatment o dental crowns sa mga bata kung saan nagdadagdag ng enamel sa ngipin nila para kumapal ulet ito.

2. Kapag mahirap na dugtungan pa ito ay pwedeng bunutin na lamang ito. Mas may benefit ito sa bata lalo na kung hindi pa naman ito permanent teeth nila.

3. Pwede namang hindi na galawin ito. Pero tandaan natin na nahihirapan ang bata at pwede pang mas magastos in the future kung ang mga sugat sa ngipin, gilagid o bibig ng bata ay magkaroon ng mga kumplikasyon.

4. Ipaayos ito ng maaga habang may natitira pang ngipin ang bata. Masa maaga itong maagapan ay mas madaming ma-save na mga ngipin nila lalo kung permanent teeth na ang tumutubo sa kanila.

Iba pang mga Babasahin

Solusyon sa hiwahiwalay na Ngipin

Pwede ba magpabunot ng Ngipin na masakit at namamaga?

Sanhi ng paghihiwalay ng mga Ngipin

Pabalik balik na lagnat ng Baby dahil sa pagtubo ng Ngipin : Mga remedy na gagawin

6 thoughts on “Masakit na Pudpod na ngipin ng Bata – Ano pwedeng Gawin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *